Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol kay Sirajuddin Haqqani na kilala rin bilang si Siraj Haqqani at Khalifa. Pinamumunuan ni Sirajuddin ang Haqqani Network (HQN), isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon). Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang HQN ay nagplano at nagsagawa ng maraming malalaking pagdukot at pag-atake laban sa Estados Unidos at Puwersang Koalisyon sa Afghanistan, pamahalaan ng Afghanistan, at mga pinagtutuunang sibilyan. Noong 2015, si Sirajuddin ay hinirang bilangn deputadong lider ng Taliban na nagpatibay sa alyansa sa pagitan ng HQN at Taliban.
Sa panayam ng isang Amerikanong organisasyon sa pagbabalita, inamin ni Sirajuddin ang planong pag-atake sa Serena Hotel sa Kabul, Afghanistan noong Enero 14, 2008 na pumatay sa anim na katao na kinabibilangan ng mamamayan ng Estados Unidos na si Thor David Hesla. Inamin din ni Sirajuddin ang pagpaplano ng tangkang pagpatay kay Pangulong Hamid Karzai ng Afghanistan noong Abril 2008.
Noong Marso 11, 2008, itinalaga ng U.S. Department of State si Sirajuddin Haqqani bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Sirajuddin na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Sirajuddin. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa FTO na HQN.