Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $3 milyon para sa impormasyon tungkol kay Seher Demir Sen na kilala rin bilang si Munever Koz o Alba, isang pangunahing lider sa Revolutionary People’s Liberation Party/Front (DHKP/C), isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon). Ang DHKP/C ay nagsagawa ng mga pag-atake laban sa mga interes ng Estados Unidos sa loob ng Turkey.
Si Sen ay sumali sa organisasyong Devrimci Sol (Dev Sol) noong 1980 at nanatiling miyembro hanggang 1994 noong sumali siya sa DHKP/C pagkatapos magwatak-watak ng Dev Sol. Tumaas siya sa prominenteng posisyon ng pamumuno sa DHKP/C sa Greece, na iniulat na nagsilbi bilang puno sa tanggapan ng grupo sa Athens. Si Sen ay miyembro ng Sentral na Komite ng DHKP/C, ang nangungunang lupong tagapagpasya ng grupo.