Ang Revolutionary People’s Liberation Party/Front (DHKP/C) ay itinatag noong 1978 sa Turkey. Itinataguyod ng DHKP/C ang ideolohiyang Marxista-Leninista at tinututulan ang Estados Unidos, NATO, at ang establisimiyentong Turko. Pinagtuunan ng grupo ang mga interes ng Estados Unidos, kabilang ang militar at mga diplomatikong tauhan at pasilidad ng Estados Unidos, mga tauhan at pasilidad ng NATO, at mga target na Turko mula pa noong dekada 90. Noong Pebrero 2013, pinasabog ng isang operatiba ng DHKP/C ang suicide vest sa Embahada ng Estados Unidos sa Ankara. Sa pagsabog ay napatay sa isang guwardiyang Turko at nasugatan ang isang mamamahayag na Turko. Noong Marso 2013, tatlong miyembro ng grupo ang umatake sa Ministro ng Katarungan at sa punong-tanggapan ng pulitikal na partidong Turkish Justice and Development sa Ankara gamit ang mga granada at rocket launcher.
Noong Oktubre 8, 1997, itinalaga ng U.S. Department of State ang DHKP/C bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong Oktubre 31, 2001, itinalaga ng Department of State ang DHKP/C bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng DHKP/C na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa DHKP/C.