Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong mauuwi sa paggambala sa mga mekanismong pampinansyal ng teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Dumedepende ang ISIS sa pagpipinansya at pangangasiwa ng mga network upang mapanatili ang mga operasyon at maglunsad ng mga pag-atake sa Syria at sa nakapaligid na rehiyon.
Ang mga network ng ISIS ay nagsagawa ng mga paglipat ng pananalapi upang suportahan ang mga gawain ng ISIS sa mga kampo ng mga taong nawalan ng tirahan na nakabase sa Syria sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga pondo sa Indonesia at Turkey, kung saan ang ilan dito ay ginamit upang bayaran ang pagpuslit ng mga bata palabas ng mga kampo at paghatid sa kanila sa mga dayuhang mandirigma ng ISIS bilang mga potensyal na rekrut.
Ang mga nakikisimpatya sa ISIS sa mahigit 40 bansa ay nagpadala ng pera sa mga indibidwal na nauugnay sa ISIS sa mga kampong ito bilang pagsuporta sa muling pagbalik ng ISIS sa hinaharap. Sa al-Hawl — sa ilang 70,000 katao, ang pinakamalaki sa mga kampo ng mga taong nawalan ng tirahan sa hilagang-silangang Syria — ang mga tagasuporta ng ISIS ay nakatanggap ng hanggang $20,000 kada buwan sa pamamagitan ng hawala, isang hindi pormal na mekanismo ng paglipat ng pera; ang karamihan sa mga paglipat ng perang ito ay nagmula sa labas ng Syria o naipasa sa pamamagitan ng mga karatig bansa gaya ng Turkey.
Ang mga ilegal na operasyon ng langis at ilegal na pagkalakal ng mga ninakaw na arkeolohikal na bagay mula sa Syria at Iraq ay naging mga pangunahing pinagmumulan din ng kita kung saan nakakalikom ng matatag na pera at nagbibigay-daan para magsagawa ang ISIS ng mga brutal na taktika nito at pahirapan ang mga inosenteng sibilyan. Ang pagsira at pagnanakaw ng ISIS sa mga pangkultura at makasaysayang lugar sa Syria at Iraq ay sumira sa hindi mapapalitang katibayan ng sinaunang pamumuhay at lipunan.
Ang mga sinauna at makasaysayang salapi, alahas, inukit na batong hiyas, eskultura, plake, at cuneiform tablet ay ilan sa mga uri ng pangkulturang bagay na ilegal na ikinalakal ng ISIS. Sa suporta ng U.S. Department of State, ang International Council of Museums ay bumuo ng mga Pang-emerhensyang Nanganganib na Listahan ng mga Pangkulturang Bagay upang iprisinta ang mga kategorya ng mga pangkulturang bagay na ninakaw at ilegal na ikinalakal mula sa Syria at Iraq.