Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa mga pagbomba sa Embahada ng Estados Unidos noong 1998 sa Kenya at Tanzania. Noong Agosto 7, 1998, magkasabay na binomba ng mga miyembro ng teroristang grupong al-Qa’ida (AQ) ang mga Embahada ng Estados Unidos sa Nairobi at Dar es Salaam. Sa mga pag-atake namatay ang 224 na katao, nasugatan ang mahigit 5,000 iba pa, at nagresulta sa malubhang pagkasira ng mga gusali ng embahada at pagkawasak sa mga kalapit na estruktura.
Sa Nairobi, pinasabog ng mga terorista ang trak na may lulang mga pasabog malapit sa garaheng paradahan ng embahada na pumatay sa 213 indibidwal — kabilang ang 44 na empleyado ng embahada (12 Amerikano at 32 banyaga) — at sinugatan ang mahigit 5,000 iba pa, kabilang ang Embahada ng Estados Unidos na si Prudence Bushnell.
Sa Dar es Salaam, ang mga teroristang nagmamaneho ng trak na may sakay na mga pasabog ay sinubukang gibain ang pintuang daan ng embahada, nagpaputok sa chancery, at pagkatapos ay pinasabog ang mga bomba. Ang nagresultang pagsabog ay pumatay sa 11 katao at sinugatan ang 85.
Ang mga sumusunod na indibidwal ay nilitis at hinatulan sa pederal na hukuman ng Estados Unidos kaugnay ng mga pag-atake:
- Mamdouh Mahmud Salim, a founding member of AQ, was arrested in September 1998 in Germany and extradited to the United States. He is serving a life sentence in prison for his connection to the bombings.
- In October 2001, AQ operatives Wadih El-Hage, Khalfan Khamis Mohamed, Mohamed Rashed Daoud Al-Owhali, and Mohamed Sadeek Odeh were convicted on charges of planning and executing the bombings and sentenced to life in prison.
- In January 2011, AQ operative Ahmed Khalfan Ghailani was convicted and sentenced to life for his role in the bombings.
- In September 2014, Adel Abdel Bari, a close associate of AQ leader Ayman al-Zawahiri, pleaded guilty to conspiring to kill U.S. nationals and received a 25-year prison sentence. He was released from prison in 2020.
- In May 2015, Khaled al-Fawwaz, deputy to now-deceased former AQ leader Usama bin Ladin, was sentenced to life in prison for his connection to the attacks.
Isang pederal na hurado ng Estados Unidos ang nagsakdal kay Abdullah Ahmed Abdullah, Anas al-Libi, Mohammed Atef, at Usama bin Ladin para sa kanilang mga papel sa mga pag-atake. Ang lahat ng dating pangunahing lider ng AQ ay namatay na.
Ang Rewards for Justice ay naghahandog din ng gantimpala para sa impormasyon tungkol sa mga lider ng AQ na si Sayf al-Adl na isinakdal para sa kanyang papel sa mga pagbomba sa mga Embahada.