Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa pagbomba sa Khobar Towers noong 1996 na malapit sa Dhahran, Saudi Arabia. Noong Hunyo 25, 1996, pinasabog ng mga miyembro ng Saudi Hizballah ang tanker na trak na naglalaman ng mga plastik na pasabog sa loteng paradahan ng Khobar Towers, isang tirahang complex na ginagamit upang paglagian ng mga tauhang militar ng Estados Unidos. Winasak ng pagsabog ang lahat maliban sa pinakamalapit na gusali, pumatay sa 19 na militar ng Estados Unidos at isang mamamayang Saudi at sinugatan ang daan-daang indibidwal mula sa iba’t ibang bansa.
Noong Hunyo 21, 2001, isang pederal na hurado ng Estados Unidos ang nagsakdal sa 14 iba pang indibidwal na konektado sa pag-atake. Sa mga nasakdal ay sina Ahmad Ibrahim al-Mughassil, Abdelkarim Hussein Mohamed al-Nasser, Ibrahim Salim Mohammed al-Yacoub, at Ali Saed bin Ali el-Hoorie, para sa bawat isa sa mga ito, ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon.