Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol kay Mohamoud Abdi Aden at sinumang iba pang indibidwal na responsable sa pag-atake noong 2019 ng mga terorista ng al-Shabaab sa DusitD2 Hotel complex sa Nairobi, Kenya. Noong hapon ng Enero 15, 2019, inatake ng mga armadong kalalakihan ng al-Shabaab na may mga pasabog, awtomatikong armas, at granada ang pangkomersyong sentro ng DusitD2, isang komplex na may 6 na gusali na may mga tindahan, opisina, at isang hotel. Hindi bababa sa 21 katao, kabilang ang isang mamamayan ng U.S., ang napatay sa pag-atake. Ang Al-Shabaab –kaakibat ng teroristang organisasyong al-Qa’ida —ng mga live na update sa kabuuan ng pag-atake sa pamamagitan ng oposual na Ahensya ng Pagbabalita nito na Shahada at naglabas ng pahayag kung saan nakasaad dito ang pag-atake bilang pagtugon sa gabay mula kay Ayman Zawahiri na lider ng al-Qa’ida nong panahong iyoni.
Tumulong si Aden, lider ng al-Shabaab, sa pagpaplano ng pag-atake noong Enero 2019. Noong Oktubre 17, 2022, siya ay itinalaga ng Department of State bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order (E.O.) 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito.
Responsable ang Al-Shabaab sa maraming teroristang pag-atake sa Kenya, Somalia, at mga kalapit na bansa na pumatay sa libu-libong katao, kabilang ang mga mamamayan ng U.S. Itinalaga ng Department of State ang al-Shabaab bilang isang Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon) at Specially Designated Global Terrorist (SDGT, Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) noong Marso 2008. Noong Abril 2010, itinalaga rin ang al-Shabaab ng Somalia Sanctions Committe (Komite ng Pagpaparusa ng Somalia) ng UN Security Council (Konsehong Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa) alinsunod sa talata 8 ng resolusyon 1844 (2008).