Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol kay Muhammad al-Jawlani na kilala rin bilang si Abu Muhammad al-Golani at Muhammad al-Julani. Pinamumunuan ni al-Jawlani ang al-Nusrah Front (ANF), ang kaanib ng al-Qa’ida (AQ) sa Syria. Noong Enero 2017, sumanib ang ANF sa ilan pang hindi matitinag na grupo ng oposisyon upang buuin ang Hayat Tahrir al-Sham (HTS). Habang si al-Jawlani ay hindi lider ng HTS, siya ay nananatiling lider ng ANF na kaanib ng AQ.
Sa ilalim ng pamumuno ni al-Jawlani, ang ANF ay nagsagawa ng maraming teroristang pag-atake sa buong Syria, na madalas na pinagtutuunan ang mga sibilyan. Noong Abril 2015, iniulat na dinukot ng ANF, at pagkatapos ay pinalaya, ang humigit-kumulang 300 sibilyang Kurd mula sa isang checkpoint sa Syria. Noong 2015, inamin ng ANF ang responsibilidad sa pagpatay sa 20 residente sa nayon ng Druze sa Qalb Lawzeh sa probinsya ng Idlib, Syria.
Noong Abril 2013, sumumpa ng katapatan si al-Jawlani sa AQ at sa lider nitong si Ayman al-Zawahiri. Noong Hulyo 2016, pinuri ni al-Jawlani ang AQ at si al-Zawahiri sa isang online na video at sinabing papalitan ng ANF ang pangalan nito sa Jabhat Fath Al Sham (“Pananakop sa Levant Front”).
Noong Mayo 16, 2013, itinalaga ng U.S. Department of State si al-Jawlani bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni al-Jawlani na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay al-Jawlani. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa ANF, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon).