Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Muhammad Ahmed al-Munawar na kilala rin bilang si Abdarahman al-Rashid Mansour at Ashraf Naeem Mansour. Si al-Munawar, ang pinaghihinalaang miyembro ng teroristang grupong Abu Nidal Organization, ay pinaghahanap para sa kanyang papel sa pag-hijack sa Pan Am Flight 73 noong Setyembre 5, 1986 sa Karachi, Pakistan. Pagkatapos gawing bihag ang 379 pasahero at mga tauhan ng halos 16 na oras, sinimulan ng mga hijacker ang walang patumanggang pamamaril. Dalawampung katao, kabilang ang dalawang Amerikano, ang napatay at mahigit 100 ang nasugatan.
Para sa kanyang papel sa pag-hijack, si al-Munawar ay isinakdal ng pederal na grand jury ng Estados Unidos at nasa Listahan ng mga Teroristang Mahigpit na Pinaghahanap ng FBI. Si Ar-Munawar ay malamang na naninirahan sa Gitnang Silangan.