Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong mauuwi sa paggambala sa mga mekanismong pampinansyal ng Hizballah. Si Mohammad Ibrahim Bazzi na nagpapatakbo o may transaksyon sa o sa pamamagitan ng Belgium, Lebanon, Iraq, at ilang bansa sa West Africa, ay ang pangunahing tagapinansya ng Hizballah, Si Bazzi ay lumikom ng milyun-milyong dolyar para sa Hizballah para sa kanyang mga aktibidad na negosyo.
Si Bazzi ay mag-ari o may kontrol sa Global Trading Group NV, Euro African Group LTD, Africa Middle East Investment Holding SAL, Premier Investment Group SAL Offshore, at Car Escort Services S.A.L. Off Shore, ang lahat ng ito ay pinarurusahang kumpanya ng Estados Unidos kung saan si Bazzi ay nagbigay ng milyun-milyong dolyar ng Hizballah.
Noong Mayo 17, 2018, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si Mohammad Ibrahim Bazzi bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Bazzi na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Bazzi. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa Hizballah, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon).