Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $3 milyon para sa impormasyon tungkol kay Maalim Salman, isang pangunahing lider ng al-Shabaab, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon). Ang namatay na lider ng al-Shabaab na si Ahmed Abdi Godane ay pinili si Salman na pamunuan ang mga banyagang Aprikanong teroristang mandirigma ng al-Shabaab. Kilala rin bilang si Maalim Salman Ali at Ameer Salman, si Salman ay sangkot sa mga operasyong nakabase sa Africa na pinupuntirya ang mga turista, establisimyentong panlibangan, at mga simbahan. Bagaman pangunahing nakatuon sa mga operasyong nasa labas ng Somalia, si Salman ay kilalang naninirahan sa Somalia, kung saan sinasanay siya ang mga banyagang mandirigma para ipadala sa ibang lugar. Noong Setyembre 24, 2014, itinalaga ng U.S. Department of State si Salman bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Salman na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Salman. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa FTO na al-Shabaab.
Maalim Salman
Aprika – Sub-Sahara