Ang Lashkar-e Tayyiba (LeT), na kilala rin bilang Army of the Righteous, ay isang teroristang grupong nakabase sa Pakistan na binuo noong dekada 80. Ang LeT ay nagsagawa ng mga operasyon, kabilang ang ilang kilalang-kilalang pag-atake, laban sa mga pinagtutuunang sundalo at sibilyang taga-India mula pa noong 1993. Inatake rin ng grupo ang mga Puwersang Koalisyon sa Afghanistan. Responsable ang LeT sa mga pag-atakeng terorismo noong Nobyembre 2008 sa Mumbai, India na napatay 166 katao–kabilang ang anim na mamamayan ng Estados Unidos–at nasugatan ang mahigit 300.
Noong Disyembre 26, 2001, itinalaga ng U.S. Department of State ang LeT bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong nakaraan, noong Disyembre 20, 2001, itinalaga ng U.S. Department of State ang LeT bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng LeT na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa LeT. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa LeT.