Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol kay Jehad Serwan Mostafa na kilala rin bilang si Ahmed Gurey, Anwar al-Amriki, at Emir Anwa. Si Mostafa ay isang mamamayan ng Estados Unidos at dating residente ng California na humawak ng mga posisyon sa pamumuno sa al-Shabaab, isang itinalaga ng Estados Unidos bilang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon). Siya ay pinaniniwalaang may pinakamataas na ranggong mamamayan ng Estados Unidos na nangangasiwa ng teroristang organisasyon.
Si Mostafa ay tumira at nagtapos sa isang kolehiyo sa San Diego, California, bago lumipat ng Somalia noong 2005. Pinaniniwalaang sumali siya sa mga pag-atake laban sa mga puwersang taga-Ethiopia bago sumali sa al-Shabaab noong humigit-kumulang 2008. Sa al-Shabaab, si Mostafa ay gumanap sa maraming mahahalagang kapasidad, kabilang ang pagsisilbi bilang instruktor ng militar sa mga kampo ng pagsasanay ng grupo, pamumuno sa mga banyagang mandirigma, pagpapatakbo sa sangay ng media ng grupo, pagkilos bilang tagapamagitan ng al-Shabaab at ibang mga teroristang organisasyon, at pamumuno sa paggamit ng mga pasabog ng grupo sa mga teroristang pag-atake. Si Mostafa ay pinaniniwalaang ipinagpapatuloy ang pagganap ng mahalagang papel sa pagpaplano ng mga operasyong idinidirekta laban sa pamahalaan ng Somalia at mga puwersa ng African Union na may pandaigdigang suporta sa Somalia at East Africa. Bilang resulta, si Mostafa ay patuloy na nagiging banta sa mga puwersa ng Estados Unidos, sibilyan, at interes.
Noong Oktubre 9, 2009, si Mostafa ay isinakdal sa Southern District of California sa mga kaso ng pakikipagsabwatan upang magbigay ng materyal na suporta sa mga terorista, pakikipagsabwatan upang magbigay ng materyal na suporta sa al-Shabaab, at pagbibigay ng materyal na suporta sa al-Shabaab. Noong Disyembre 2, 2019, ang pumalit na sakdal na binuksan ng pederal na hukom ng Estados Unidos ay kinasuhan si Mostafa ng mga pagkakasalang nauugnay sa terorismo. Si Mostafa ay nasa Listahan ng mga Teroristang Mahigpit na Pinaghahanap ng FBI.