Ang Jamaat-ul-Ahrar (JuA) ay isang militanteng grupong nauugnay sa itinalaga ng Estados Unudos na Foreign Terrorist Organization na Tehrik-e Taliban Pakistan (TTP). Itinatag ng dating lider ng TTP na si Abdul Wali noong Agosto 2014, ang JuA ay nagsagawa ng maraming pag-atake sa Pakistan na pinagtuunan ang mga sibilyan, relihiyosong minorya, kawani ng militar, at tagapagpatupad ng batas. Noong Agosto 2015, inamin ng JuA ang responsibilidad sa pagpapatiwakal na pagbomba sa Punjab Pakistan na pumatay sa Home Minister ng Punjab na si Shuja Khanzada at 18 sa kanyang mga tagasuporta. Si JuA ay responsable sa pagpatay sa dalawang empleyadong Pakistani ng Konsulado ng Estados Unidos sa Peshawar sa unang bahagi ng Marso 2016. Sa huling bahagi ng Marso 2016, ang JuA ay nagsagawa ng pagpapatiwakal na pag-atake sa Gulshan-e-Iqbal amusement park sa Lahore, Pakistan kung saan namatay ang mahigit 70 katao—halos kalahati sa mga ito ay mga kababaihan at bata—at daan-daan pa ang nasugatan.
Noong Agosto 3, 2016, itinalaga ng U.S. Department of State ang JuA bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng JuA na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa JuA.