Ang Jama’at Nusrat al-Islam wal-Muslimin (JNIM) ay inilarawan ang sarili bilang opisyal na sangay ng al-Qa’ida sa Mali. Noong 2017, ang Sangay sa Sahara ng al-Qa’ida in the Islamic Maghreb, ang al-Murabitoun, ang Ansar al-Dine, at ang Macina Liberation Front ay nagsama-sama upang buuin ang JNIM. Pinatatakbo sa Mali, Niger, at Burkina Faso, ang JNIM ay responsable sa maraming pag-atake at pagdukot. Noong Hunyo 2017, nagsagawa ang JNIM ng pag-atake sa isang resort na madalas na dinadaluhan ng mga taga-Kanluran sa labas ng Bamako at sila ay responsable sa malalaking pinag-ugnay-ugnay na pag-atake sa Ouagadougou noong Marso 2, 2018. Noong Setyembre, pinasabog ng JNIMM ang isang minahan sa ilalim ng isang pampasaherong bus sa central Mali kung saan namatay ang 14 na sibilyan at nasugatan ang 24.
Noong Setyembre 6, 2018, itinalaga ng U.S. Department of State ang JNIM bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong nakaraan, noong Setyembre 5, 2018, itinalaga ng Department of State ang JNIM bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng JNIM na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa JNIM. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa JNIM.