Ang Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) ay umusbong mula sa mga natira sa al-Qa’ida in Iraq (AQI). Ginamit ng grupo ang katawagang ISIS upang ipahayag ang mga ambisyon nito sa rehiyon habang pinalalawak nito ang mga operasyong kinabibilangan ng kagulugan sa Syria. Pinamunuan ang ISIS ni Abu Bakr al-Baghdadi na nagdeklara ng pagtatag ng Islamic caliphate noong Hunyo 2014. Siya ay napatay noong Oktubre 27, 2019 sa panahon ng operasyon ng militar ng Estados Unidos para siya ay hulihin. Sinamantala ng ISIS ang kaguluhan sa Syria at ang mga tensyong sektaryan sa Iraq na nagpahintulot ditong makuha ang kontrol ng teritoryo sa parehong bansa. Noong 2019, pinalaya ng Global Coalition to Defeat ISIS — na binubuo ng ilang kasamang bansa at pandaigdigang institusyon — ang lahat ng teritoryong kontrolado ng ISIS sa Syria at Iraq. Nagpapatuloy ang mga pagsusumikap laban sa grupo sa Iraq, Syria, at iba pang bansa.
Noong Nobyembre 2015, nagsagawa ang ISIS ng serye ng pinag-ugnay-ugnay na pag-atake sa Paris kung saan namatay ang halos 130 katao, kabilang ang isang Amerikano, at nasugatan agn mahigit 350 na iba pa. Noong Marso 2016, idinirekta ng ISIS ang dalawang magkasunod na pag-atake sa Brussels kung saan namatay ang 32 katao, kabilang ang apat na mamamayan ng Estados Unidos, at nasugatan ang mahigit 250 katao. Noong Enero 2016, isang mamamaril na sumumpa ng katapatan sa ISIS ang pumatay sa 49 na indibidwal at sinugatan ang 53 iba pa sa Pulse nightclub sa Orlando, Florida. Noong Hulyo 2016, inamin ng ISIS ang isang pag-atake kung saan ang isang teroristang nagmamaneho ng kargong trak ang umatake sa maraming tao sa Nice, France noong panahon ng pagdiriwang ng Bastille Day na nagresulta sa 86 na anim na pagkamatay, kabilangang tatlong mamamayan ng Estados Unidos. Noong Enero 2019, inamin ng ISIS ang responsibilidad sa pagpapatiwakal na pagbomba sa isang restawran sa Manbij, Syria, na pumatay sa 19 na katao, kabilang ang apat na Amerikano. Noong Pasko ng Pagkabuhay ng 2019 sa Sri Lanka, mahigit 250 katao ang napatay, kabilang ang limang mamamayan ng Estados Unidos, noong nagsagawa ng mga suicide bombing (pagpapatiwakal na pagbomba) ang mga teroristang may inspirasyon ng ISIS sa maraming simbahan at hotel.
Noong Disyembre 17, 2004, itinalaga ng U.S. Department of State ang AQI (kilala na ngayon bilang ISIS) bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong nakaraan, noong Oktubre 15, 2004, itinalaga ng U.S. Department of State ang AQI bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng ISIS na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa ISIS. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa ISIS.