Ang Islamic Revolutionary Guard Corps-Qods Force (IRGC-QF), isang sangay ng IRGC, ay ang pangunahing mekanismo ng Iran sa paglinang at pagsuporta sa mga teroristang grupo sa ibang bansa. Ginagamit ng Iran ang IRGC-QF upang ipatupad ang mga mithiin nito sa patakarang panlabas, magbigay ng panghalili sa mga operasyong intelihensya, at lumikha ng kaguluhan sa Gitnang Silangan. Noong 2011, tinangka ng IRGC-QF na patayin ang Embahador na Saudi sa Estados Unidos sa Washington, D.C. Noong 2012, naaresto ang mga operatiba ng IRGC-QF sa Turkey at Kenya para sa pagtatangka ng pag-atake. Noong Enero 2018, ibinunyag ng Germany ang 10 operatiba ng IRGC na sangkot sa teroristang pagtatangka sa Germany.
Noong Abril 15, 2019, itinalaga ng U.S. Department of State ang IRGC, kabilang ang IRGC-QF, bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng Seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong 2017, 2001, itinalaga ng U.S. Department of Treasury ang IRGC bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito, para sa mga aktibidad nitong sumusuporta sa IRGC-QF. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng IRGC na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa IRGC. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa IRGC.