Ang Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC), na bahagi ng opisyal na militar ng Iran, ay may pangunahing papel na ginagampanan sa paggamit ng terorismo ng Iran bilang susing kasangkapan sa kalakarang pang-estado. Pinaplano, inoorganisa, at isinasagawa ng IRGC ang terorismo sa buong mundo. Bukod dito, nilikha, sinuportahan, at dinirekta ng IRGC ang iba pang mga teroristang grupo. Ang IRGC ay responsable sa maraming pag-atakeng pinagtutuunan ang mga Amerikano at pasilidad ng Estados Unidos, kabilangang mga pumatay sa mga mamamayan ng Estados Unidos. Simula ng pagkakatatag nito noong 1979, ang IRGC ay nakakuha ng mahalagang papel na gagampanan sa pagpapatupad ng patakarang panlabas ng Iran. Ang grupo ay mayroon na ngayong kontrol sa malalawak na bahagi ng ekonomiya ng Iran at maimpluwensya ito sa pulitika sa Iran.
Noong Abril 15, 2019, itinalaga ng U.S. Department of State ang IRGC, kabilang ang IRGC-Qods Force, bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng Seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong 2017, 2001, itinalaga ng U.S. Department of Treasury ang IRGC bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito, para sa mga aktibidad nitong sumusuporta sa IRGC-QF. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng IRGC na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa IRGC. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa IRGC.