Ang ISIS in the Greater Sahara (ISIS-GS) ay binuo noong 2015 pagkatapos mahiwalay sa al-Mourabitoun, isang grupong humiwalay sa al-Qa’ida, ay sumumpa ng katapatan sa ISIS. Pangunahing nakabase sa Mali at pinapatakbo sa hanay ng hangganang Mali-Niger, ang grupo ay aktibo rin sa Burkina Faso. Inamin ng ISIS-GS ang responsibilidad sa maraming pag-atake, kabilang ang pag-atake noong Oktubre 4, 2017 sa pinagsamang pagpatrolya ng Estados Unidos at Nigeria sa rehiyon ng Tongo Tongo, Niger, na nagresulta sa mga pagkamatay ng apat na sundalo ng Estados Unidos at apat na sundalo ng Nigeria. Noong Nobyembre 2019, naglunsad ang ISIS-GS ng pag-atake sa isang base militar sa Mali na pumatay sa 54 na sundalo.
Noong Mayo 23, 2018, itinalaga ng U.S. Department of State ang ISIS-GS bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong nakaraan, noong Mayo 16, 2018, itinalaga ng U.S. Department of State ang ISIS-GS bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng ISIS-GS na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa ISIS-GS. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa ISIS-GS.