Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Ibrahim Salih Mohammed al-Yacoub. Si al-Yacoub, ang diumanong miyembro ng teroristang organisasyong Saudi Hizballah ay pinaghahanap dahil sa kanyang papel sa pagbomba sa Khobar Towers na malapit sa Dhahran, Saudi Arabia noong 1996.
Noong Hunyo 25, 1996, pinasabog ng mga miyembro ng Saudi Hizballah ang tanker na trak na naglalaman ng mga plastik na pasabog sa loteng paradahan ng Khobar Towers, isang tirahang complex na ginagamit upang paglagian ng mga tauhang militar ng Estados Unidos. Winasak ng pagsabog ang lahat maliban sa pinakamalapit na gusali, pumatay sa 19 na militar ng Estados Unidos at isang mamamayang Saudi at sinugatan ang daan-daang indibidwal mula sa iba’t ibang bansa.
Noong Hunyo 21, 2001, isang pederal na hurado ng Estados Unidos ang nagsakdal kay al-Yacoub at sa 13 iba pang indibidwal na konektado sa pag-atake.
Noong Oktubre 12, 2001, itinalaga ng U.S. Department of State si al-Yacoub bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni al-Yacoub na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay al-Yacoub. Siya ay nasa Listahan ng mga Teroristang Mahigpit na Pinaghahanap ng FBI.