Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Ibrahim Ousmane na kilala rin bilang si Dandou Cheffou, para sa kanyang pakikibahagi sa pag-atake sa Tongo Tongo, Niger noong 2017. Si Ibrahim Ousmane ay isang komandante sa ISIS-Greater Sahara (ISIS-GS).
Noong Oktubre 4, 2017, malapit sa nayon ng Tongo, Tongo, Niger, inatake ng mga militanteng nauugnay sa ISIS-GS ang pangkat ng U.S. Special Forces na may tungkuling sanayin, payuhan, at tulungan ang mga puwersa ng Nigeria sa paglaban sa terorismo. Ang pag-atake ay nagresulta sa mga pagkamatay ng apat na sundalong Amerikano at apat na sundalong Nigerien. Dalawang karagdagang Amerikano at walong Nigerien ang nasugatan sa enkwentro. Noong Enero 12, 2018, inamin ng lider ng ISIS-GS na si Adnan Abu Walid al-Sahrawi ang responsibilidad sa pag-atake.