Ang Hurras al-Din (HAD) ay isang jihadist na grupong nauugnay sa al-Qa’ida na umusbong sa Syria sa unang bahagi ng 2018 pagkatapos humiwalay ang ilang paksyon sa Hayat Tahrir al-Sham (HTS).
Noong Setyembre 10, 2019, itinalaga ng U.S. Department of State ang HAD bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng HAD na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa HAD.