Ang Hayat Tahrir al-Sham (HTS) ay binuo noong 2017 mula sa pagsasanib sa pagitan ng al-Nusrah Front (ANF) at iba pang mga grupo. Kinokontrol ng HTS ang bahagi ng teritoryo sa hilagang-kanlurang Syria, na may mithiing pabagsakin ang rehimeng Assad ng Syria at palitan ito ng estadong Sunni Islamic upang mapalawak ang sarili nitong adyenda bilang isa sa mga kaanib ng al-Qa’ida sa Syria. Ang HTS ay bumihag sa ilang mamamayan ng Estados Unidos simula pa noong pagkakatatag nito. Ang HTS ay isang ekstremistang elementong hiwalay sa oposisyon ng Syria, at may iba’t ibang antas ng impuwensya sa lokal na pamumuno at panlabas na pagtatangka.