Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Hassan Afgooye, isang pangunahing lider ng teroristang grupong al-Shabaab. Pinangangasiwaan ni Afgooye ang kumplikadong pinansyal na network na ang mga aktibidad ay kinabibilangan ng mga pekeng kawanggawa at paglikom ng pondo at pagdukot bilang pagsuporta sa itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) na al-Shabaab. Si Afgooye ay itinuturing na kritikal sa mga nagpapatuloy na operasyon ng grupo.
Hassan Afgooye
Aprika – Sub-Sahara