Ang Haqqani Network (HQN) ay isang militanteng organisasyong pinapatakbo sa Afghanistan at Pakistan na binuo sa huling bahagi ng dekada 80. Ang HQN ay pinlano at isinagawa ang maraming malalaking pag-atake at pagdukot laban sa Estados Unidos at Puwersang Koalisyon sa Afghanistan, pamahalaan ng Afghanistan, at mga pinagtutuunang sibilyan. Noong Hunyo 2012, isang pag-atake ng sa pamamagitan ng pagpapatiwakal na pagbomba laban sa base militar ng Estados Unidos sa Khost, Afghanistan ang pumatay sa dalawang sundalo ng Estados Unidos at sinugatan ang 100 iba pa. Sinisi ng mga opisyal ng Afghanistan ang HQN sa pagsabog ng bomba sa trak noong Mayo 2017 sa Kabul na pumatay sa mahigit 150 katao. Ang HQN ay pinaniniwalaang responsable sa pagbomba sa ambulansya noong Enero 2018 sa Kabul na pumatay sa mahigit 100 katao. Sinisi rin ng mga opisyal ng Afghanistan ang HQN sa pag-atake noong Enero 2018 sa Intercontinental Hotel sa Kabul na pumatay sa 22 katao.
Noong Setyembre 19, 2012, itinalaga ng U.S. Department of State ang HQN bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong nakaraan, noong Setyembre 7, 2012, itinalaga ng Department of State ang HQN bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng HQN na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa HQN. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa HQN.