Opisyal na website ng pamahalaan ng Estados Unidos

Hafiz Saeed

Timog at Gitnang Asya

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol kay Hafiz Saeed, ang tagapagtatag at lider ng Lashkar-e Tayyiba (LeT), isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon). Si Saeed ay nakibahagi sa pagpaplano ng 4-na-araw na teroristang pag-atake sa Mumbai, India noong November 2008 kung saan 166 na indibidwal ang namatay, kabilang ang mga Amerikano.

Noong 2020, si Saeed ay hinatulan ng isang hukuman ng Pakistan na kontra-terorismo sa maraming beses na pagpinansya sa terorismo at hinatulan siyang mabilanggo. Ang Estados Unidos ay patuloy na naghahanap ng impormasyon tungkol kay Saeed dahil pinalaya ng sistemang hudisyal ng Pakistan ang mga hinatulang lider at operatiba ng LeT noong nakaraan.

Noong Mayo 27, 2008, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si Saeed bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Saeed na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Saeed. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa FTO na LeT. Noong Disyembre 10, 2008, si Saeed ay inilista sa United Nations 1267/1989 al-Qa’ida Sanctions Committee bilang isang indibidwal na nauugnay sa teroristang organisasyong al-Qa’ida at, samakatwid, sumasailalim sa mga pandaigdigang parusa.

Mga Larawan:

Mga Kaugnay na Lokasyon:

Pakistan

Petsa ng Kapanganakan:

Hunyo 5, 1950

Lugar ng Kapanganakan:

Sargodha, Punjab, Pakistan

Pagkamamamayan:

Pakistan

Nasyonalidad:

Pakistan

(Mga) Numero ng Pasaporte at Bansa:

Booklet A5250088 (Pakistan); BE5978421 (Pakistan)

(Mga) Pambansang Numero ng Pagkakakilanlan at Bansa:

23250460642 (Pakistan); 3520025509842-7 (Pakistan)

Kasarian:

Lalaki

Kulay ng Buhok:

Pula

Kulay ng Mata:

Kayumanggi

Mga Alyas/Mga Alternatibong Pagsulat sa Pangalan:

Muhammad Saeed; Hafiz Muhammad Saeed; Hafez Mohammad Sayeed; Hafiz Mohammad Saeed; Hafiz Mohammad Sayid; Hafiz Mohammad Syeed; Hafiz Mohammad Sayed; Muhammad Saeed Hafiz; Hafiz Sahib; Tata Ji

SUBMIT A TIP

Do Your Part. Secure a Safer World.

There are many ways to submit information to Rewards for Justice.

You may choose from multiple platforms and contact us in numerous languages. To process your information efficiently, we ask you to state your information as succinctly as possible, provide your name, location, and preferred language, and upload all relevant files such as photographs, videos, and documents to support your information. An RFJ representative will soon contact you. Please be patient, as RFJ reads every tip we receive.

Please open your Line app to submit a tip. The number is +1 202 702 7843

Please open your Viber app to submit a tip. The number is +1 202 702 7843

Please visit our Tor-based tips-reporting channel at: he5dybnt7sr6cm32xt77pazmtm65flqy6irivtflruqfc5ep7eiodiad.onion

Magsumite ng Tip

Gawin ang iyong Bahagi. Tiyakin ang mas Ligtas na Mundo.

Mayroong maraming paraan para magsumite ng tip.

Maaari kang pumili sa maraming platform at makipag-ugnayan sa amin sa maraming wika. Upang maiproseso ang iyong impormasyon nang mabuti, hinihiling namin sa iyong isaad ang iyong impormasyon nang maikli hangga’t maaari, ibigay ang iyong pangalan, lokasyon, at mas ninanais na wika, at i-upload ang lahat ng nauukol na file gaya ng mga litrato, video, at dokumentong sumusuporta sa iyong impormasyon. Malapit nang makipag-ugnayan sa iyo ang kinatawan ng RFJ. Hinihingi ang iyong pasensya dahil binabasa ng RFJ ang bawat tip na natatanggap namin.

Mangyaring buksan ang iyong Line app para magsumite ng tip. Ang numero ay +1 202 702 7843

Mangyaring buksan ang iyong Viber app para magsumite ng tip. Ang numero ay +1 202 702 7843

Mangyaring bisitahin ang channel sa pag-uulat ng tips na nakabase sa Tor sa: he5dybnt7sr6cm32xt77pazmtm65flqy6irivtflruqfc5ep7eiodiad.onion

Skip to content