Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Faruq al-Suri na kilala rin bilang si Samir Hijazi o Abu Hammam al-Shami. Si al-Suri ay ang lider ng teroristang organisasyong Hurras al-Din (HAD) at beteranong miyembro ng al-Qa’ida (AQ).
Si al-Suri ay ang nakakataas na paramilitar na tagapagsanay kasama ang nakakataas na lider ng AQ na si Sayf al-Adl sa Afghanistan noong dekada 90, at sinanay niya rin ang mga mandirigma ng AQ sa Iraq mula 2005 hanggang 2005. Si al-Suri ay dating nakakulong sa Lebanon mula 2009 at 2013 at pagkatapos ay naging komandante ng militar sa al-Nusrah Front (ANF). Umalis siya sa ANF noong 2016.
Noong Setyembre 10, 2019, itinalaga ng U.S. Department of State si al-Suri bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni al-Suri na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay al-Suri.