Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol sa mga responsable sa teroristang pag-atake sa internasyonal na paliparan sa Kabul, Afghanistan. Inatake ng isang nagpapatiwakal na tagabomba ang paliparan habang isinasagawa ng Estados Unidos at ng iba pang mga pamahalaan ang malakihang pagsusumikap na paglikas sa mga mamamayan nito at mga bulnerableng Afghan. Hindi bababa sa 185 katao ang napatay sa pag-atake, kabilang ang 13 miyembro ng militar ng Estados Unidos na sumusuporta sa mga operasyon ng paglikas. Mahigit sa 150 katao, kabilang ang 18 miyembro ng militar ng Estados Unidos ang nasugatan. Inako ng ISIS-K, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) ang responsibilidad sa pag-atake.