Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong mauuwi sa paggambala sa mga mekanismong pampinansyal ng Hizballah. Si Ali Qasir ay isang kinatawan ng Hizballah sa Iran at ang susing tagapangasiwa ng mga pampinansyal at pangkomersyong aktibidad na pinakikinabangan ng Islamic Revolutionary Guard Corps-Qods Force (IRGC-QF) ng Iran at Hizballah. Siya rin ang pamangkin ng opisyal ng Hizballah na si Muhammad Qasir, na malapit niyang katrabaho upang mapangasiwaan ang mga pinansyal na aktibidad sa pagitan ng IRGC-QF at Hizballah.
Si Ali Qasir ay ang namamahalang direktor din ng nauugnay sa Hizballah na pangharap na kumpanyang Talaqi Group na nagpipinansya sa mga pagluluwas ng langis para sa IRGC-QF. Si Ali Qasir ay nagtatalaga ng mga sasakyang pandagat upang ihatid ang mga iniluluwas para sa mga network ng terorista batay sa patnubay ng IRGC-QF. Kabilang sa mga responsibilidad ni Ali Qasir ang pakikipagnegosasyon para sa mga presyo ng ibinibenta para sa mga kagamitan at pag-aayos ng mga kabayarang nauugnay sa mga sasakyang pandagat na panluwas. Pinangasiwaan ni Ali Qasir ang mga pakikipagnegosasyon sa presyo ng ibinibenta at nakipagtulungan upang sagutiin ang mga gastusin at pinangasiwaan ang pagluluwas ng langis ng Iran sa pamamagitan ng ADIAN DARYA 1 para sa kapakinabangan ng IRGC-QF. Si Ali Qasir ay kumakatawan sa kumpanyang Hokoul S.A.L. Offshore na nakabase sa Lebanon sa mga negosasyon pagdating sa mga suplay nito ng krudong langis mula sa Iran patungong Syria. Bukod dito, pinlano ni Ali Qasir at nakipagtulungan sa iba pa sa paggamit ng Grupong Talaqi upang pangasiwaan ang pagbebenta ng milyun-milyong dolyar na halaga ng asero.
Noong Setyembre 4, 2019, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si Ali Qasir bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Ali Qasir na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Ali Qasir. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa Hizballah, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon).