Orihinal na kilala bilang Salafist Group for Preaching and Combat, ang al-Qa’ida (GSPC) in the Islamic Maghreb (AQIM) ay nabuo pagkatapos magdeklara ng katapatan ang grupo sa al-Qa’ida noong 2006. Bagaman sa pangkalahatan, ang AQIM ay nananatiling isang teroristang grupong nakatuon sa rehiyon sa Sahel, nagpatibay ito ng retorika at ideolohiyang laban sa Kanluranin.
Rutinang nagsasagawa ang AQIM ng mga gawang terorista, kabilang ang mga pagpapatiwakal na pagbomba, pag-atake sa mga pinagtutuunang sibilyan, at operasyong pagdukot na humihingi ng pantubos. Ang pagbomba ng AQIM noong 2007 sa gusaling punong-tanggapan ng UN at gusali ng pamahalaan ng Algeria sa Algiers ay pumatay sa 60 katao. Noong Enero 2016, nagsagawa ang AQIM ng pag-atake sa isang hotel sa Burkina Faso kung saan namatay ang 28 katao at nasugatan ang 56. Noong Marso 2016, ang AQIM ay umamin ng responsibilidad sa isang welga sa isang bakasyunan sa dalampasigan sa Côte d’Ivoire kung saan namatay ang mahigit 16 na katao at 133 pa ang nasugatan. Noong Enero 2017, naglunsad ang AQIM ng suicide attack (pagpapatiwakal na pagsalakay) na nag-iwan ng mahigit 50 kataong namatay sa Gao, Mali.
Noong Marso 27, 2002, itinalaga ng U.S. Department of State ang AQIM bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong nakaraan, noong Setyembre 23, 2001, ang ASG ay inilista sa Annex sa Executive Order 13224, at pagkatapos ay sumailalim sa mga parusa sa ilalim nito bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista). Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng AQIM na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa AQIM. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa AQIM.