Ang Al-Nusrah Front (ANF) ay binuo sa huling bahagi ng 2011 noong ang dating lider ng al-Qa’ida in Iraq (AQI) na si Abu Bakr al-Baghdadi ay ipinadala ang lider ng ANF na si Muhammad al-Jawlani sa Syria upang mag-organisa ng mga selulang terorista. Noong Abril 2013, si al-Jawlani ay sumumpa ng katapatan sa lider ng AQ na si Ayman al-Zawahiri. Humiwalay ang ANF sa AQI at naging isang independiyenteng entidad. Noong Enero 2017, sumanib ang ANF sa ilang pang hindi matitinag na grupo ng oposisyon upang buuin ang Hayat Tahrir al-Sham (HTS). Ang ANF ay nananatiling kaanib ng al-Qa’ida sa Syria.
Ang nakasaad na mithiin ng ANF ay pabagsakin ang rehimeng Assad ng Syria at palitan ito ng estadong Sunni Islamic. Ang ANF ay nakatuon sa at kinokontrol ang bahagi ng teritoryo ng timog-kanlurang Syria, kung saan ito ay aktibo bilang isang puwersang oposisyon, at mayroong iba’t ibang antas ng impluwensya sa lokal na pamamahala at panlabas na pagtatangka. Ang ANF ay nagsagawa ng maraming teroristang pag-atake sa buong Syria, na madalas na pinagtutuunan ang mga sibilyan.
Noong Mayo 15, 2014, itinalaga ng U.S. Department of State ang ANF bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong nakaraan, noong Mayo 14, 2014, itinalaga ng U.S. Department of State ang ANF bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng ANF na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa ANF. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa ANF.