Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Ahlam Ahmad al-Tamimi na kilala rin bilang si “Khalti” at “Halati,” bilang bahagi ng Karahasan noong 1993 bilang Pagtutol sa mga Negosasyong Pangkapayapaan sa Gitnang Silangan handog na gantimpala.
Noong Agosto 9, 2001, inilipat ni al-Tamimi ang isang bomba at isang nagpapatiwakal na tagabomba sa isang mataong pizzeria ng Sbarro sa Jerusalem, kung saan pinasabog ng tagabomba ang mga pasabog. Ang pagsabog ay pumatay sa 15 katao, kabilangang pitong bata. Ang mga Amerikanong sina Judith Shoshana Greenbaum, isang nagbubuntis na 31-taong-gulang na guro ng paaralan, at ang 15-taong-gulang na si Malka Chana Roth ay kasama sa mga napatay. Mahigit 120 iba pa ang nasugatan, kabilang ang apat na Amerikano. Inamin ng Hamas ang responsibilidad sa pagbomba.
Isang dating estudyanteng nagtatrabaho bilang isang mamamahayag sa telebisyon, inihatid ni al-Tamimi ang tagabomba sa pinupuntirya pagkatapos sumumpang isasagawa ang mga pag-atake sa ngalan ng militar na sangay ng Hamas, ang Izzedine al-Qassam Brigades, ayon sa FBI. Si al-Tamimi, na pinlano, idinisenyo at pinaunlad ang pag-atake sa Sbarro, ay pinili ang lokasyon dahil ito ay isang mataong restawran. Upang mabawasan ang paghihinala, siya at ang nagpapatiwakal na tagabomba ay nagbihis tulad ng mga Israel, at personal niyang dinala ang bombang nakatago sa isang lalagyan ng gitara, mula sa isang bayan sa West Bank patungo sa Jerusalem. Inamin din ni al-Tamimi ang pagpapasabog sa isang ginawang maliit na aparatong pasabog sa isang tindahan ng groseri sa Jerusalem bago ang pag-take bilang pagsubok.
Noong 2003, umamin si al-Tamimi ng pagkakasala sa hukuman ng Israel sa pakikibahagi sa pag-atake at sinentansyahan ng 16 na habang-buhay na pagkabilanggo sa Israel dahil sa pagtulong sa tagabomba. Siya ay pinalaya noong Oktubre 2011 bilang bahagi ng pakikipagpalitan ng bilanggo sa pagitan ng Hamas at Israel. Noong Marso 14, 2017, binuksan ng U.S. Department of Justice ang kriminal na reklamo at mandamiyento ng pag-aresto para kay al-Tamimi. Idinagdag din ng FBI si al-Tamimi Listahan ng mga Teroristang Mahigpit na Pinaghahanap nito.