Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $7 milyon para sa impormasyon tungkol kay Abu Ubaydah Yusuf al-Anabi na kilala rin bilang si Abou Obeida Youssef al-Annabi at Yazid Mubarak. Si Al-Anabi ang lider ng teroristang organisasyong al-Qa’ida in the Islamic Maghreb (AQIM). Inanunsyo ng AQIM si al-Anabi bilang bagong lider ng grupo noong Nobyembre 2020. Si al-Anabi ay sumumpa ng katapatan sa lider ng al-Qa’ida (AQ) na si Ayman al-Zawahiri sa ngalan ng AQIM at inaasahang may gagampanang papel sa pandaigdigang pamamahala ng AQ.
Si al-Anabi, isang mamamayan ng Algeria, ay dating lider ng Council of Notables ng AQIM ay nagsilbi sa Konseho ng Shura ng AQIM. Si al-Anabi ang dating hepe ng media ng AQIM.
Noong Setyembre 9, 2015, itinalaga ng U.S. Department of State si al-Anabi bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni al-Anabi na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay al-Anabi. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa AQIM, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon). Si al-Anabi ay inilagat sa listahan ng may parusa ng United Nations Security Council Resolution 1267 (UNSCR 1267) noong Pebrero 29, 2016, na ginawa siyang sumasailalim sa mga restriksyon sa ari-arian, pagbabawal na maglakbay, at imbargo sa mga armas.