Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol kay Ahmed Diriye na kilala rin bilang si Ahmed Umar at Abu Ubaidah. Si Abu Ubaidah ay nagsisilbi bilang lider ng al-Shabaab—isang posisyong inookupa niya mula pa noong mamatay ang dating lider ng al-Shabaab na si Ahmed Abdi Godane. Si Abu Ubaidah ay bahagi ng malapit na grupo ni Godane noong panahon ng pagkamatay ni Godane.
Bago mapalitan si Godane, si Abu Ubaidah ay nagsilbi sa ilang posisyon sa loob ng al-Shabaab, kabilang ang pagiging katulong si Godane, deputadong gobernador ng rehiyong Lower Juba ng Somalia noong 2008, at gobernador ng mga rehiyon ng Bay at Bakool ng Somalia para sa al-Shabaab noong 2009. Bago lumampas ng 2013, siya ang nakakataas na tagapayo ni Godane, at nagsilbi sa “Interyor na Departamento”ng al-Shabaab, kung saan pinangasiwaan niya ang mga aktibidad ng grupo sa loob ng bansa. Ang kanyang pananaw ay kapareho ng kay Godane para sa mga teroristang pag-atake ng al-Shabaab sa Somalia bilang elemento ng mas malalaking aspirasyon ng al-Qa’ida.
Noong Abril 21, 2015, itinalaga ng U.S. Department of State si Abu Ubaidah bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Abu Ubaidah na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Abu Ubaidah. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa Al-Shabaab, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon).