Ang Abu Nidal Organization (ANO) ay binuo noong 1974 pagkatapos humiwalay sa Palestine Liberation Organization. Itinaguyod ng ANO ang pag-alis sa Israel at sinikap na idiskaril ang mga diplomatikong pagsusumikap bilang pagsuporta sa prosesong pangkapayapaan sa Gitnang Silangan. Inamin ng grupo ang reponsibilidad para sa maraming teroristang pag-atake, kabilang ang pagbomba sa TWA Flight 840 at ang pag -hijack sa Pan Am Flight 73.
Noong Oktubre 8, 1997, itinalaga ng U.S. Department of State ang ANO bilang isang Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong Hunyo 1, 2017, binawi ng Department of State ang pagkakatalaga sa ANO bilang isang FTO.