Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Abdelbasit Alhaj Alhassan Haj Hamad. Si Abdelbasit ay pinaghahanap dahil sa kanyang papel bilang isa sa mga armadong kalalakihan na pumatay sa mga empleyado ng U.S. Agency for International Development (USAID) na sina John Granville at Abdelrahman Abbas Rahama sa Khartoum noong Enero 1, 2008.
Ang hukuman ng Sudan ay nilitis at hinatulan si Abdelbasit ng kamatayan noong 2009 para sa kanyang pagkakasangkot sa mga pagpatay. Ngunit tumakas si Abdelbasit sa bilangguan noong Hunyo 10, 2010, bago maipatupad ang kanyang sentensya. Nananatili siyang pinaghahanap at pinaniniwalaang nasa Somalia.
Noong Enero 8, 2013, itinalaga ng U.S. Department of State si Abdelbasit bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Abdelbasit na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Abdelbasit.