Salamat sa pagpapasyang maging bahagi ng aming komunidad sa Rewards for Justice. Nakatuon kami sa pagprotekta ng iyong personal na impormasyon at sa iyong karapatan sa pagkapribado.
Ang paunawa sa pagkapribadong ito ay naglalarawan kung paano namin maaaring gamitin ang iyong impormasyon kung:
Sa paunawa sa pagkapribadong ito, kung tinukoy namin ang:
Ang layunin ng paunawa sa pagkapribadong ito ay ipaliwanag sa iyo sa pinakamalinaw na paraan hangga’t maaari kung anong impormasyon ang kinokolekta namin, kung paano namin ito ginagamit, at kung anong mga karapatan ang mayroon ka kaugnay rito. Kung mayroong anumang mga tuntunin sa paunawa sa pagkabribado na hindi mo sinasang-ayunan, mangyaring agad na itigil ang paggamit sa aming mga serbisyo.
Mangyaring basahin nang mabuti ang paunawa sa pagkapribado na ito dahil makakatulong ito sa iyong maunawaan kung ano ang ginagawa namin sa impormasyong aming kinokolekta.
Sa Madaling Salita: Ang ilang impormasyon – gaya ng iyong Internet Protocol (IP) address at/o mga katangian ng browser at device – ay awtomatikong kinokolekta kapag bumibisita ka sa aming Website.
Awtomatiko naming kinokolekta ang impormasyon kapag binibisita, ginagalugad, o ginagalugad mo ang Website. Hindi isinisiwalat sa impormasyong ito ang iyong partikular na pagkakakilanlan (kagaya ng iyong pangalan o impormasyon sa pakikipag-ugnayan), ngunit maaaring kabilangan ng impormasyon tungkol sa device at paggamit, gaya ng IP address, mga katangian ng browser at device, operating system, mga preperensyang wika, nagre-refer na mga URL, pangalan ng device, bansa, lokasyon, impormasyon tungkol sa kung paano at kailan mo ginagamit ang aming Website at iba pang teknikal na impormasyon. Ang impormasyong ito ay pangunahing kailangan upang mapanatili ang seguridad at operasyon ng aming Website, at para sa mga layunin ng internal analytics at pag-uulat.
Kagaya ng maraming negosyo, kinokolekta rin namin ang impormasyon kagaya ng cookies at mga katulad na teknolohiya.
Kabulang sa impormasyong aming kinokolekta ang:
Ginagamit namin ang personal na impormasyong kinokolekta sa pamamagitan ng aming Website para sa iba’t ibang layuning pangnegosyo na inilalarawan sa ibaba.
Maaari naming gamitin ang iyong data para sa mga sumusunod na layunin:
Sa Madaling Salita: Maaari kaming gumamit ng cookies at mga kahalintulad na teknolohiya sa pagsubaybay (gaya ng mga web beacon at pixel) upang mangolekta o mag-store ng impormasyon.
Ang cookies at mga kahalintulad na teknolohiya ay makakatulong sa aming awtomatikong matukoy ka kapag bumalik ka sa aming website o app. Nakakatulong sa amin ang cookies na suriin ang mga traffic pattern ng website, pagbutihin ang website at malaman kung anong mga Serbisyo ang popular. Maaari rin naming gamitin ang naturang impormasyon upang maghatid ng naka-customize na content at advertising sa mga gumagamit ng mga Serbisyo na ang pag-uugali ay nagpapahiwatid na sila ay interesado sa partikular na paksa.
Karamihan sa mga web browser ay nakatakdang tumanggap ng cookies bilang default. Kung mas ninanais mo, karaniwang mapipili mong i-set ang iyong browser na alisin ang cookies o tanggihan ang cookies. Kung pipiliin mong alisin o tanggihan ang cookies, maaari itong makaapekto sa ilang feature o serbisyo ng aming Website.
Sa Madaling Salita: Nilalayon naming protektahan ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng sistema ng organisasyon at mga teknikal na hakbang na panseguridad.
Nagpatupad kami ng mga naaangkop na hakbang na teknikal at para sa seguridad ng organisasyon na idinisenyo upang protektahan ang seguridad ng anumang personal na impormasyong aming pinoproseso. Ngunit, sa kabila ng aming mga pananggalang at pagsusumikap na gawing ligtas ang iyong impormasyon, walang elektronikong paglipat sa internet o teknolohiya sa pag-iimbak ng impormasyon ang magagarantiyahang 100% ligtas, kaya hindi namin maipapangako o magagarantiya na ang mga hacker, cyber-kriminal, o iba pang mga hindi awtorisadong ikatlong partido ay hindi magagawang talunin ang aming seguridad, at sa hindi tamang paraan ay kolektahin, i-access, nakawin, o baguhin ang iyong impormasyon. Bagaman gagawin namin ang aming pinakamakakaya, ang iyong personal na impormasyon na napupunta at nagmumula sa aming Website ay sarili mong pananagutan. Dapat mo lamang i-access ang Website sa loob ng ligtas na kapaligiran.
Karamihan sa mga web browser at ilan sa mga mobile operating system at mobile application ay naglalaman ng feature na Do-Not-Track (“DNT”) o setting na maaari mong i-activate para ihudyat ang iyong preperensya sa pagkapribado kung saan hindi masusubaybayan at makokolekta ang data tungkol sa iyong mga inline browsing activity. Sa yugtong ito, walang iisang pamantayang teknolohiya para kilalanin o ipatupad ang mga DNT signal ang naisapinal. Kung kaya, sa kasalukuyan ay hindi kami tumutugon sa mga DNT browser signal o anumang iba pang mekanismong awtomatikong ipinaaalam ang iyong pinili na huwag masubaybayan online. Kung ang pamantayan sa online na pagsubaybay ay pinagtibay na kailangan naming sundin sa hinaharap, ipapaalam namin sa iyo ang tungkol sa gawaing iyon sa isang nirebisang bersyon ng paunawa sa pagkapribado na ito.
Ang aming mga serbisyo ay kontrolado at pinatatakbo namin mula sa Estados Unidos, ay ginawang magagamit ng mga residente sa Estados Unidos, at hindi nilalayon upang isailalim kami sa mga batas at hurisdiksyon ng anumang estado, bansa, o teritoryong bukod sa napapabilang sa Estados Unidos. Anumang impormasyong ibibigay mo sa pamamagitan ng paggamit ng mga Serbisyo ay maaaring mai-store at maproseso, mailipat sa pagitan ng at ma-access mula sa Estados Unidos at iba pang mga bansa na maaaring hindi maggarantiya ng parehong antas ng proteksyon sa personal na impormasyon gaya ng sa tinitirhan mo. Kung hindi mo gustong umalis ng iyong bansa ang iyong personal na impormasyon, mangyaring huwag ibigay ang naturang impormasyon sa Rewards for Justice at huwag gamitin ang naturang website. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng personal na impormasyon sa Rewards for Justice, hayagan mong pinahihintulutan ang paglipat ng iyong impormasyon sa Estados Unidos.
Ang Rewards for Justice o ang mga tagapagkaloob ng serbisyo nito ay maaari ring ilipat ang iyong impormasyon mula sa European Economic Area (EEA) patungo sa ibang mga bansa, na ang ilan sa mga ito ay hindi pa nalalaman ng European Commission kung naghahandog ng sapat na antas ng proteksyon sa data ayon sa mga pamantayan ng EEA. Para sa mga paglipat sa mga bansa na hindi nag-aatas ng antas ng proteksyon sa data na tumutugon sa mga pamantayan ng EEA, ang Rewards for Justice ay gumagamit ng iba’t ibang legal na mekanismo upang protektahan ang iyong personal na impormasyon, kabilang ang mga nakakontratang probisyon at mga nakasulat na garantiya mula sa mga tagapagkaloob ng serbisyo.
Panghahawakan namin ang iyong personal na impormasyon alinsunod sa Patakaran sa Pagkapribado na ito saanman naka-store o ina-access ang iyong personal na impormasyon.
Ang mga link sa mga website na nasa labas ng Pederal na Pamahalaan ng Estados Unidos o ang paggamit ng mga pangalan ng kalakal, kumpanya, o korporasyon na nasa loob ng website ng Rewards for Justice ay para sa kaginhawaan ng gumagamit. Ang naturang paggamit ay hindi nangangahulugang opisyal na pag-endorso o pag-apruba ng U.S. Department of State o programa ng Rewards for Justice ng anumang website, produkto, o serbisyo ng pribadong sektor.
Ang mga hindi awtorisadong pagtatangkang mag-upload ng impormasyon at/o baguhin ang impormasyon sa website na ito ay mahigpit na ipinagbabawal at sumasailalim sa prosekyusyon sa ilalim ng Computer Fraud and Abuse Act of 1986, 18 U.S.C. § 1030, at seksyon 1001 ng Titulo 18.
Maaari mong tingnan ang patakaran sa pagkapribado ng website ng U.S. Department of State sa: https://www.state.gov/privacy-policy/
Inaanyayahan namin ang saloobin kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa aming patakaran sa pagkapribado o paggamit ng iyong impormasyon. Ang mga babasahin tungkol sa pagsunod sa pagkapribado ng Department ay makikiha sa Privacy Impact Assessments (PIA) at Systems of Records Notices (SORN). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming Patakaran sa Pagkapribado, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa privacy@state.gov o sumulat sa amin sa:
Office of Global Information Services
Privacy Office – A/GIS/PRV
State Annex 9
U.S. Department of State
Washington, DC 20006
You may choose from multiple platforms and contact us in numerous languages. To process your information efficiently, we ask you to state your information as succinctly as possible, provide your name, location, and preferred language, and upload all relevant files such as photographs, videos, and documents to support your information. An RFJ representative will soon contact you. Please be patient, as RFJ reads every tip we receive.
Maaari kang pumili sa maraming platform at makipag-ugnayan sa amin sa maraming wika. Upang maiproseso ang iyong impormasyon nang mabuti, hinihiling namin sa iyong isaad ang iyong impormasyon nang maikli hangga’t maaari, ibigay ang iyong pangalan, lokasyon, at mas ninanais na wika, at i-upload ang lahat ng nauukol na file gaya ng mga litrato, video, at dokumentong sumusuporta sa iyong impormasyon. Malapit nang makipag-ugnayan sa iyo ang kinatawan ng RFJ. Hinihingi ang iyong pasensya dahil binabasa ng RFJ ang bawat tip na natatanggap namin.