Opisyal na website ng pamahalaan ng Estados Unidos

Tungkol sa Amin

Pangkalahatang Pananaw ng Programa

Kasaysayan ng Programa at mga Itinalagang Awtoridad

Ang RFJ, ang programa ng U.S. Department of State na nagbibigay ng gantimpala, ay itinatag alinsunod sa 1984 Act to Combat International Terrorism (Batas ng 1984 upang Malabanan ang Pandaigdigang Terorismo), Pampublikong Batas 98-533 (isinakodigo sa 22 U.S.C. § 2708). Pinangangasiwaan ng Bureau of Diplomatic Security (Kawanihan ng Diplomatikong Seguridad) ng State Department, misyon ng RFJ ang maghandog ng mga gantimpala upang makuha ang impormasyong pumuprotekta sa buhay ng mga Amerikano at mga interes ng Estados Unidos at pinaiigting ang pambansang seguridad ng Estados Unidos.  

Mula pa noong 1984, pinalawak ng Kongreso ang mga awtoridad na itinalaga sa RFJ na maghandog ng mga gantimpala para sa mga impormasyon sa apat na malalawak na kategorya:

  • Terorismo. Para sa impormasyong:
    • Nauuwi sa pag-aresto o paghatol sa sinumang nagpaplano, gumagawa, tumutulong, o nagtatangka ng mga akto ng pandaigdigang terorismo laban sa mga mamamayan o ari-arian ng Estados Unidos sa loob o labas ng bansa;
    • Pumipigil sa mga naturang akto na mangyari;
    • Tumutukoy o humahanap sa pangunahing lider na terorista; o
    • Sumisira sa mga mekanismong pampinansyal ng mga banyagang teroristang organisasyon.  Kabilang dito ang pagsira sa mga network sa pagdukot at mga pagdukot na pinansyal na sumusuporta sa mga naturang organisasyon. 
  • Pakikialam sa Eleksyon sa Ibang Bansa. Para sa impormasyong: 
    • Mauuwi sa pagtukoy o paghanap sa sinumang dayuhang nanadyang makibahagi o nakikibahagi sa pakikialam sa eleksyon sa ibang bansa, kabilang ang aktibidad na lumalabag sa pederal na batas sa krimen, mga karapatan sa pagboto, o pagpinansya ng kampanya, o sa naturang aktibidad na isinasagawa ng sinumang taong kumikilos bilang ahente ng o sa ngalan ng, o sa pakikipagtulungan sa, isang dayuhang pamahalaan o kriminal na organisasyon.
    • Mauuwi sa pagpigil, pagkabigo ng, o ninanais na resolusyon sa gawain ng pakikialam sa eleksyon.
  • Mapaminsalang Cyber na Aktibidad. Para sa impormasyong:
    • Tumutukoy o humahanap ng sinumang indibidwal na, habang kumikilos sa utos o sa ilalim ng kontrol ng banyagang pamahalaan, ay tinutulungan o hinihikayat ang paglabag sa Computer Fraud and Abuse Act  (“CFAA”), 18 U.S.C. § 1030.  Kabilang dito ang pakikialam sa halalan sa ibang bansa.
  • North Korea. Para sa impormasyong:
    • Sumisira sa mga mekanismong pampinansyal ng mga tao o entidad na sangkot sa mga partikular na aktibidad na sumusuporta sa rehimen ng North Korean regime; o
    • Tumutukoy o humahanap sa sinumang indibidwal na, habang kumikilos sa utos o sa ilalim ng kontrol ng pamahalaan ng North Korea, ay tinutulungan o o hinihikayat ang paglabag sa Computer Fraud and Abuse Act  (“CFAA”), 18 U.S.C. § 1030.  Kabilang dito ang mga cyber-attack at panghihimasok sa mga sistema ng pamahalaan ng Estados Unidos.

Pag-anunsyo sa mga Handog na Gantimpala

Sa oras na awtorisahan ng Kalihim ng Estado ang handog na gantimpala, iaanunsyo ito ng RFJ at gagawing bahagi ang mga pinagtutuunang mambabasa sa paraang naaangkop sa kultura gamit ang iba’t ibang kasangkapan, kabilang ang social media, mga social chat application, at tradisyonal na media.

Pagproseso ng mga Tip

Inaatasan ng mga anunsyo ng RFJ ang mga indibidwal na i-text ang kanilang impormasyon sa mga tip line ng RFJ na espesipiko sa wika sa pamamagitan ng malawakang magagamit at naka-encrypt na messaging application, kabilang ang Signal, Telegram, at WhatsApp. Maaari ring isumite ng mga indibidwal ang kanilang impormasyon sa pamamagitan ng email at mga social media account.
Ipinamamahagi ng RFJ ang naaangkop na tip na impormasyon sa ibang mga ahensya ng USG. 

Kabayaran sa mga Gantimpala

Kung ang impormasyong ibinigay ng impormante ay nagresulta sa positibong kinalabasan, ang ahensyang nag-iimbestiga sa Estados Unidos na nagtatrabaho sa kaso ay maaaring magpasyang maghirang ng impormante para sa gantimpalang kabayaran. Ang mga nominasyon para sa kabayaran ay pinag-aaralan ng komite ng mga ahensya at pagkatapos ay ipinapadala sa Kalihim para sa desisyon kung magbabayad.

Simula ng pagkakatatag nito noong 1984, nagbayad ang programa ng mahigit $250 milyon sa mahigit 125 indibidwal sa buong mundo na nagbigay ng maaaksyunang impormasyong nakatulong sa paglutas sa mga banta sa pambansang seguridad ng Estados Unidos.

SUBMIT A TIP

Do Your Part. Secure a Safer World.

There are many ways to submit information to Rewards for Justice.

You may choose from multiple platforms and contact us in numerous languages. To process your information efficiently, we ask you to state your information as succinctly as possible, provide your name, location, and preferred language, and upload all relevant files such as photographs, videos, and documents to support your information. An RFJ representative will soon contact you. Please be patient, as RFJ reads every tip we receive.

Please open your Line app to submit a tip. The number is +1 202 702 7843

Please open your Viber app to submit a tip. The number is +1 202 702 7843

Please visit our Tor-based tips-reporting channel at: he5dybnt7sr6cm32xt77pazmtm65flqy6irivtflruqfc5ep7eiodiad.onion

Magsumite ng Tip

Gawin ang iyong Bahagi. Tiyakin ang mas Ligtas na Mundo.

Mayroong maraming paraan para magsumite ng tip.

Maaari kang pumili sa maraming platform at makipag-ugnayan sa amin sa maraming wika. Upang maiproseso ang iyong impormasyon nang mabuti, hinihiling namin sa iyong isaad ang iyong impormasyon nang maikli hangga’t maaari, ibigay ang iyong pangalan, lokasyon, at mas ninanais na wika, at i-upload ang lahat ng nauukol na file gaya ng mga litrato, video, at dokumentong sumusuporta sa iyong impormasyon. Malapit nang makipag-ugnayan sa iyo ang kinatawan ng RFJ. Hinihingi ang iyong pasensya dahil binabasa ng RFJ ang bawat tip na natatanggap namin.

Mangyaring buksan ang iyong Line app para magsumite ng tip. Ang numero ay +1 202 702 7843

Mangyaring buksan ang iyong Viber app para magsumite ng tip. Ang numero ay +1 202 702 7843

Mangyaring bisitahin ang channel sa pag-uulat ng tips na nakabase sa Tor sa: he5dybnt7sr6cm32xt77pazmtm65flqy6irivtflruqfc5ep7eiodiad.onion

Skip to content