Rewards for Justice
Pagpapatupad ng Batas na Itinataguyod ng Intelihensya
Misyon ng Rewards for Justice (Mga Gantimpala para sa Katarungan) ang makalikom ng nakakatulong na impormasyong pumuprotekta sa mga Amerikado at pinaiigting ang pambansang seguridad ng Estados Unidos. Ang programa ay naghahandog ng mga gantimpala para sa impormasyon tungkol sa terorismo, mga mapaminsalang aktibidad na cyber na laban sa Estados Unidos na pinangangasiwaan ng banyaga, at mga mekanismong pampinansyal ng mga indibidwal na nakikibahagi sa mga partikular na aktibidad na sumusuporta sa rehimen ng North Korea.