Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Zulkarnaen

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Ang tunay na pangalan ni Zulkarnaen ay Aris Sumarsono, at Daud ang tawag sa kanya ng kanyang mga kasamang militante. Ayon sa mga opisyal ng Estados Unidos at Indonesia, si Zulkarnaen ay naging operations chief ng Jemaah Islamiyah (JI) pagkatapos na naaresto ang sinasabing sinundan niya, si Riduan Isamuddin, na kilala rin sa Thailand sa pangalang Hambali. Ayon sa mga taong kilala siya, si Zulkarnaen ay isang maliit na taong hindi masalita.

Kinilalang si Zulkarnaen ang malamang na pinakamataas na lider ng isang grupong terorista sa Southeast Asia, ang Jemaah Islamiyah. Pinaniniwalaang siya ang namumuno sa piling pangkat na tumulong na isagawa ang suicide bombing sa Marriott Hotel sa Jakarta na pumatay ng 12 katao noong 2003 at tumulong sa paghanda ng mga bombang pumatay sa 202 katao sa Bali noong 2002.

Si Zulkarnaen ang isa sa mga lider ng al-Qa’ida sa Southeast Asia at isa siya sa ilang tao lamang sa Indonesia na may tuwirang kontak sa network ng terorismo ng al Qa’ida. Si Zulkarnaen ay nagtapos ng Biology sa isang pamantasan sa Indonesia, at sa mga taon ng dekada 1980, kabilang siya sa mga unang mga militanteng Indonesian na pumunta sa Afghanistan para magsanay na maging eksperto sa pag-iispiya. Si Zulkarnaen ngayon ang pinuno ng isang pangkat ng mga militante na nagngangalang Laskar Khos, o “special force”, na ang mga miyembro ay kinalap mula sa mga 300 Indonesian na nagsanay sa Afghanistan at sa Pilipinas.

Si Zulkarnaen ay tinangkilik ni Abdullah Sungkar, ang nagtatag ng JI at ng Islamic boarding school, al-Mukmin, na kung saan nag-aral si Zulkarnaen at mga iba pang nakatataas na mga militante. Noong kalagitnaan ng dekada 1980, pinadala ni Sungkar sa Afghanistan ang isang maliit na grupo ng mga Indonesian para magsanay sa isang kampo na pinamumunuan ng Mujahidin commander na sa Abdul Rasul Sayyaf. Bago namatay si Sungkar noong 1999, malimit na nakikita noon si Zulkarnaen sa tabi ng kanyang guro, tumutulong sa pagtatangghal ng mga komperensiya at inaayos ang agenda nitong matandang radical.

Pinaniniwalaang si Zulkarnaen ay tumulong organisahin ang labanan sa Maluku Islands sa mga taon ng dekada 1990, at ang nag-organisa ng isang pagtitipon ng mga militante na nagsanay sa Afghanistan sa iba’t ibang panahon, para magtulungan sila.