Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Yasin Kilwe

Hanggang $3 Milyong Gantimpala

Si Yasin Kilwe ang emir ng al-Shabaab para sa Puntland, sa hilagang Somalia. Bilang lider ng Galgala Hills militia sa mga bundok ng Golis, nanumpa si Kilwe na siya ay magiging tapat sa al-Shabaab at al-Qaida sa isang nakarekord na pahayag na binrodkas ng isang istasyon ng radyo na kontrolado ng al-Shabaab, noong bandang katapusan ng February 2012. Ang emir ng al-Shabaab na si Ahmed Abdi aw-Godane ay opisyal na hinirang si Kilwe bilang lider ng al-Shabaab sa rehyon. Si Kilwe ay miyembro ng Dubays clan, isang subclan of Warsangali. Siya ay pinararatangan ng pagpaplano ng mga pag-atake na tinatarget ang mga security official ng Puntland.

Ang Al-Shabaab ang militante ng Somali Council of Islamic courts na namahala sa timog Somalia noong huling anim na bwan ng 2006. Ipinagpatuloy ng al-Shabaab ang marahas na panghihimagsik nito sa timog at gitnang Somalia. Inako ng grupo na sila ang may kagagawan ng maraming pagbobomba – kabilang ang iba’t ibang klase ng mga suicide attack – sa Mogadishu at sa gitnang at hilagang Somalia, na karaniwang tinatarget ay ang mga opisyal ng gobyerno ng Somalia at ang mga kakampi ng Transitional Federal Government (TFG) of Somalia. Ang al-Shabaab ang may kagagawan ng dalawang parehong suicide bombing sa Kampala, Uganda, noong Hulyo 11, 2010, na kung saan napatay ang higit sa 70 katao, kabilang ang isang Amerikano. Pinatay rin ng grupo ang mga aktibista sa Somalia na tagapagtaguyod ng kapayapaan, mga aid worker na mula sa mga ibang bansa, napakaraming tao sa komunidad, at mga peryodista.

Itinalaga ng U.S. Department of State na ang al-Shabaab ay isang Organisasyon ng mga Terorista, alinsunod sa Section 219 ng Immigration and Nationality Act (tulad ng pagsusog) noong Pebrero 26, 2008, at isang Espesyal na Itinalagang entidad na Terorista sa Buong Mundo alinsunod sa Executive Order 13224 noong Pebrero 29, 2008. Noong Pebrero 2012, pinahayag ng al-Shabaab at ng al-Qaida ang kanilang pormal na alyansa.