Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Yasin al-Suri

Hanggang $10 Milyong Gantimpala

Si Ezedin Abdel Aziz Khalil, na mas kilala sa ngalang Yasin al-Suri, ay isang nakatataas na al-Qaida facilitator sa Iran. Si Yasin al-Suri ay inaresto ng mga awtoridad sa Iran noong Disyembre 2011 pagkatapos ipahayag ang alok ng Rewards for Justice na gantimpalang $10 milyon, pero nanumbalik siya sa kanyang dating pamumuno ng network ng AQ sa Iran.

Bilang isang punong al-Qaida facilitator sa Iran, si Yasin al-Suri ang namamahala sa mga pagsisikap ng al-Qaida para dalhin sa Syria mula Pakistan ang mga bihasang espiya at ang mga pinuno, itatag at panatilihin ang mga rota na pinaglalakbayan ng mga bagong recruit na patungong Syria sa pamamagitan ng Turkey, at tulungan sa pagbibiyahe patungong kanluran ang mga espiya ng al-Qaida.

Si Al-Suri ang nagpapagalaw ng pera at mga recruit na mula sa buong Gitnang Silangan hanggang sa Iran, at patuloy sa Pakistan, upang suportahan ang nakatataas na mga lider ng al-Qaida. Pinagpapatuloy ng mga awtoridad sa Iran ang kanilang pakikipag-ugnayan kay al-Suri at pinahintulutan siyang gawin ang kanyang mga operasyon sa loob ng mga border ng Iran mula 2005.

Si Al-Suri ang nagfa-facilitate sa mga recruit para sa al-Qaida mula sa Gulf hanggang sa Pakistan at Afghanistan sa pamamagitan ng Iran. Siya rin ay isang importanteng mangingilak ng pondo para sa al-Qaida at nakakolekta ng pera mula sa mga donor at mga nangingilak ng pondo sa lahat ng dako ng Gulf. Dinadadaan ni Al-Suri ang maraming pera sa Iran bago makarating sa liderato ng al-Qaida sa Afghanistan at Iraq.

Sa kanyang pakikipagtulungan sa pamahalaan ng Iran, inaareglo ni al-Suri ang pagpapalaya sa mga tauhan ng al-Qaida mula sa mga kulungan sa Iran. Sa oras na pinalaya ang mga espiya ng al-Qaida, ang mga ito ay pinadadala kay al-Suri, na tumutulong sa kanilang pagbibiyahe papunta sa Pakistan.

Karagdagang mga Litrato

Yasin al-Suri