Mga Kuwento ng Pagtatagumpay

Toting Craft Hanno

Nahatulan nang May-sala

Si Toting Craft Hanno ay miyembo ng Abu Sayyaf Group na kasali sa kidnapping sa Dos Palmas noong Mayo 2001.

Noong Mayo 27, 2001, kinidnap ng ASG ang tatlong Amerikano sa Dos Palmas Resort sa Palawan, Pilipinas. Nakilala ang tatlong Amerikano na si Guillermo Sobero at ang mag-asawang misyonero na sina Martin at Gracia Burnham. Noong Hunyo 11, 2001, sinabi ng tagapagsalita ng ASG na si Abu Sabaya, na inutos niya ang pagpatay kay Guillermo Sobero bilang “regalo sa kaarawan” ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Pilipinas. Noong Oktubre 7, 2001, may nakuhang bungo sa Basilan Island, na napag-alamang bungo ni Guillermo Sobero. Noong Hunyo 2002, napatay si Martin Burnham sa barilan ng mga sundalong Pilipino at ng ASG; bagama’t nasugatan si Gracia, nailigtas siya at ibinalik sa Estados Unidos.

$100,000 Gantimpala ang binayad para sa impormasyong nagbigay-daan sa pag-aresto kay Hanno noong Enero 6, 2005.