Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Talal Hamiyah

Hanggang $7 Milyong Gantimpala

Si Talal Hamiyah ang pinuno ng External Security Organization (ESO) ng Hizballah, na may mga organized cells sa lahat ng dako ng daigdig. Ang ESO ng Hizballah ang responsable sa pagplano, koordinasyon, at pagpapatupad ng mga terrorist attack sa labas ng Lebanon. Ang target ng mga attack ay mga Isreli at mga Amerikano.

Noong Septiyembre 13, 2012, si Talal Hamiyah ay hinirang ng Department of Treasury ng Estados Unidos na isang Specially Designated Global Terrorist (SDGT) alinsunod sa Executive Order 13224 dahil sa kanyang pagsuporta sa mga gawaing terorista ng Hizballah sa Middle East at sa buong daigdig.