Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Sirajuddin Haqqani

Hanggang $10 Milyong Gantimpala

Si Sirajuddin Haqqani ang kasalukuyang namumuno sa mga pang-araw-araw na gawain ng Haqqani Network. Noong ininterbyu siya ng isang Amerikanong news organization, inamin ni Sirajuddin na siya ang nagplano sa pag-atake noong Enero 14, 2008 sa Serena Hotel sa Kabul na pumatay sa anim na tao, kabilang ang Amerikanong si Thor David Hesla.

Inamin din ni Sirajuddin na siya rin ang nagplano sa tangkang pagpatay noong Abril 2008 sa Pangulo ng Afghanistan na si Hamid Karzai. Siya ay nag-coordinate at sumali sa mga pag-atake sa mga sundalo ng Estados Unidos at ng Coalition sa Afghanistan. Pinaniniwalaang siya ay nasa Federally Administered Tribal Areas ng Pakistan.

Si Sirajuddin Haqqani ay itinalaga ng U.S. Department of State na isang Specially Designated Global Terrorist alinsunod sa Executive Order 13224 noong Marso 2008.

Karagdagang litrato ni

Litrato ni Sirajuddin Haqqani
Litrato ni Sirajuddin Haqqani