Mga GawangTerorismo
Impormasyon tungkol sa ...

Pagpatay kay Joel Wesley Shrum

Taizz, Yemen | Marso 18, 2012

Noong Marso 18, 2012, si Shrum, 29 taong gulong, ay binaril at napatay ng isang lalaking nakamotorsiklo na sinabayan ang kanyang sasakyan nang siya ay patungong trabaho sa Taizz, Yemen.

Sa panahon ng kanyang pagkamatay, si Shrum ay nagtatrabaho sa International Training and Development Center bilang administrador at titser ng Ingles. Nakatira siya noon sa Yemen kasama ang kanyang asawa at dalawang batang anak.

Mga ilang araw pagkatapos ng pag-atake, inako ng teroristang organisasayong al-Qaida in the Arabian Peninsula (AQAP) na sila ang pumatay sa kanya.

Ang Rewards for Justice Program ng Department of State ng Estados Unidos ay naghahandog ng hanggang $5 milyon pabuya para sa impormasyong magbibigay daan sa pag-aresto o paghatol ng maysala sa mga taong pumatay, nagplano, o tumulong sa pagpatay ng Amerikanong si Joel Shrum.

Karagdagang litrato ni

Joel Shrum English Poster