Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Sayf al-Adl

Hanggang $10 Milyong Gantimpala

Si Al-Adl ay isang nakatataas na lider ng al-Qa’ida at miyembro ng konseho ng mga pinuno ng AQ, ang “majlis al-shura.” Si Al-Adl ang pinuno rin ng komiteng militar ng al-Qa’ida.

Si Al-Adl ay sinakdal ng isang grand jury ng hukumang pederal noong Nobyembre 1998 para sa kanyang ginampanan noong Agosto 7, 1998 sa mga pagbomba ng mga embahada ng Estados Unidos sa Dar es Salaam, Tanzania, at Nairobi, Kenya. Ang mga pag-atake ay pumatay sa 224 na sibilyan at nakapinsala sa higit sa 5,000 iba pa.

Dati siyang tinyente koronel ng Egyptian Special Forces hanggang inaresto siya noong 1987 kasama ang ibang libu-libong militante na laban sa gobyerno, pagkatapos ng tangkang pagpatay sa interior minister ng Egypt

Noong kasing aga ng 1990, si al-Adl at mga iba pang operatibo ng al-Qa’ida ay nagbigay ng pagsasanay na militar at intelligence sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Afghanistan, Pakistan, at sa Sudan, para sa al-Qa’ida at sa mga grupong kasapi nito, kabilang ang Egyptian Islamic Jihad.

Noong 1992 at 1993, siya at si Abdullah ay nagbigay ng pagsasanay na militar sa mga operatibo ng al-Qa’ida at mga tribo sa Somalia na lumaban sa mga sundalo ng Estados Unidos sa Mogadishu noong Operation Restore Hope.

Siya ay sinakdal ng isang grand jury ng hukumang pederal noong Nobyembre 1998 para sa kanyang ginampanan noong Agosto 7, 1998 sa mga pagbomba ng mga embahada ng Estados Unidos sa Dar es Salaam, Tanzania at Nairobi, Kenya.

Pagkatapos ng mga pagbomba, Si al-Adl ay lumipat sa timog-silangan ng Iran sa ilalim ng proteksyon ng Islamic Revolutionary Guard Corps. Noong Abril 2003 ang mga awtoridad sa Iran ay nilagay siya, si Abdullah at mga ibang lider ng al-Qa’ida sa house arrest.

Noong Septiyembre 2015, pinalaya si al-Adl at apat na nakatataas na lider ng al-Qa’ida bilang kapalit sa isang diplomat ng Iran na kinidnap ng al-Qa’ida sa Yemen.

Si Al-Adl ay isang dating nakatataas na tinyente ni Abu Musab al Zarqawi, ang nagtatag ng al-Qa’ida na Iraq na nang lumaon ay naging ISIL.

Karagdagang litrato ni

English AAA and SaA PDF