Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Radullan Sahiron

Hanggang $1 Milyong Gantimpala

Si Radullan Sahiron ay isang nakatataas na lider ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Pilipinas. Bumukod itong grupo mula sa mas malaking Moro National Liberation Front noong nagsisimula pa lang ang dekada 1990 sa ilalim ng pamumuno ni Abdurajak Abubakar Janjalani, na napatay sa isang pakikipaglabanan sa Philippine police noong Disyembre 1998. Ang kanyang nakababatang kapatid na si Khadaffy Janjalani, ang pumalit sa kanya dahil itinuturing na siya ang karapat-dapat na maging lider ng grupo. Noong Septiyembre 2006, napatay si Khadaffy Janjalani sa isang pakikipagbarilan sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines. Si Radullan Sahiron ang pinapalagay na magiging bagong lider ng ASG.

Maraming kalalakihan, kababaihan at kabataan na walang-malay ang napatay o malubhang nasugatan at nasaktan dahil sa mga ginawa ni Sahiron. Kasangkot si Sahiron sa kidnapping naganap sa Dos Palmas, isang tourist resort sa Palawan, Pilipinas noong Mayo 2001 ng tatlong Amerikano, kabilang sina Martin at Gracia Burnham, at ng 17 Filipino. Pinatay ang ilan sa mga bihag, kabilang ang Amerikanong si Guillermo Sobero.

Si Sahiron ay pinaniniwalaang nagtatago sa southern Mindanao at dito rin niya ipinapapatuloy ang mga pakanang pangterorismo na nakakaapekto sa maraming komunidad. Dahil sa kanyang katungkulan bilang lider ng ASG, na ang mga terrorist attack ay humahantong sa pagkamatay ng mga Amerikano at ng mga Filipino, tinuturing ng mga may kapangyarihan ng Estados Unidos na isang mapanganib na tao si Sahiron sa mga mamamayan at mga kapakinabangan ng Estados Unidos at ng Pilipinas.

Naputol ang kanang kamay ni Sahiron dahil sa kanyang pakikipaglaban sa security forces noong dekada 1970. Siya ay mahusay magsalita ng Arabic at Tausug.