Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Qasim al-Rimi

Hanggang $10 Milyong Gantimpala

Si al-Rimi ay hinirang na emir ng AQAP noong Hunyo 2015 kaagad pagkatapos niyang sumumpang magiging tapat sa lider ng al-Qa’ida na si Ayman al-Zawahiri at tumawag ng panibagong mga pag-atake laban sa Estados Unidos. Sinanay ni Al-Rimi ang mga terorista sa isang kampo ng al-Qa’ida sa Afghanistan noong mga taong 1990, at tapos ay bumalik siya sa Yemen para maging komander ng militar ng AQAP. Sinentensyahan siyang mapreso ng limang taon noong 2005 sa Yemen para sa kanyang pagpaplanong patayin ang Embahador ng Estados Unidos sa Yemen, at nakatakas noong 2006. Si al-Rimi ay kasangkot sa pag-atake sa Embahada ng Estados Unidos sa Sana’a noong Septiyembre 2008 na pumatay sa 10 gwardiyang Yemeni, apat na sibilyan, at anim na terorista. Si al-Rimi ay kasangkot rin sa tangkang suicide bombing noong Disyembre 2009 ng “underwear bomber” na si Umar Farouq Abdulmutallab sa isang eroplanong patungong Estados Unidos. Noong 2009, pinaratangan siya ng gobyerno ng Yemen na nagpapalakad ng isang kampo ng pagsasanay ng al-Qa’ida sa Abyan province ng Yemen.

Sa isang video noong Mayo 7, 2017, sinabi niya sa mga sumosoporta sa kanyang nasa mga bansa sa Kanluran na magsagawa ng “madali at simpleng” mga pag-atake at pinuri niya si Omar Mateen, ang pumatay sa 49 na tao sa isang nightclub sa Orlando, Florida noong Hunyo 2016.

Noong Mayo 2010, ang Department of State ay hinirang si al-Rimi bilang isang Bukod-tanging Terorista sa Buong Mundo alinsunod sa Executive Order 13224. Noong Mayo 2010, si al-Rimi ay dinagdag sa Pinagsamang Listahan ng United Nations (UN) 1267 Sanctions Committee ng mga taong may koneksyon sa al- Qa’ida/ISIL. Ang unang alok na gantimpalang $5 milyon para kay al-Rimi ay inanunsyo noong Oktubre 14, 2014.

Karagdagang litrato ni

Qasim al-Rimi
al-Rimi and Batarfi English PDF
al-Rimi and Batarfi Arabic PDF
AQAP English PDF
AQAP Arabic PDF