Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Mu‘taz Numan ‘Abd Nayif Najm al-Jaburi

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Si Mu‘taz Numan ‘Abd Nayif Najm al-Jaburi, na kilala rin sa ngalang Hajji Taysir, ay isang nakatataas na lider ng Estado ng Islam sa Iraq at Syria (ISIS) at siya ay mula sa pamilyang matagal nang miyembro ng organisasyong nauna sa ISIS, ang Qa’ida sa Iraq (AQI).

Pinamahalaan ni Al-Jaburi ang paggawa ng mga bomba para sa mga gawaing terorista at panghihimagsik ng ISIS.

Noong Hunyo 2014, ang ISIS na kilala rin sa ngalang Da’esh, ay sinakop ang mga bahagi ng Syria at Iraq, nagpahayag na sila ay isang “caliphate” ng Islam, at ginawang “caliph” si al-Baghdadi. Sa mga nakalipas na taon, ang ISIS ay nakatanggap ng pagkilala ng mga grupong jihadist at mga taong radical sa lahat ng dako ng mundo, na nagbibigay insperasyon sa mga pag-atake sa iba’t ibang dako ng mundo.

Itong pabuya ay mahalaga sa aming paglaban sa ISIS. Sa panahong tinatalo ang ISIS sa larangan ng labanan, ang hangad namin ay malaman kung sino ang mga lider ng grupo at hanapin sila para maipagpatuloy ng pangdaigdig na samahan ng mga bansang linalabanan ang pagsira sa mga natitira sa ISIS at hadlangan ang kanilang mga ambisyong lusubin ang mga ibang bansa.

Karagdagang litrato ni

Mu‘taz Numan ‘Abd Nayif Najm al-Jaburi